Thursday, March 8, 2012

Blogging Gutom #6: Azkals

  Hindi naman talaga ako fan ng football dati. Tinatamad nga ako manuod kasi mahaba tapos ang tagal makascore. Nasanay kasi ako sa basketball na mabilis lang makascore. Kapag sa football grabe sa tagal tapos minsan wala pang nakakascore. Wala nga akong kaide-idea kung paano laruin ang football. Napanuod ko lang yan sa Shaolin Soccer. Nagulat ako dati nung bata ako akala ko talaga may Golden Leg na ganun kalakas sumipa. Pero nung tumanda ako hindi ko nahiligan talaga siguro dahil na rin sa hindi masiyado napaguusapan sa classroom at hindi masiyado sikat sa bansa. Pero nung kelan lang sumikat yung Philippine Football Team o mas kilala natin sa tawag na Azkals.

  Sumikat sila dahil tinalo ata nila yung Vietnam ng 2-0. Sobrang nagulat lahat tapos dun na nagsimula ang pagsikat nila. Medyo natuwa naman ako kasi biglang sikat eh. Kaya triny ko manuod ng game nila. Naalala ko yun may quiz pa ako nung araw na iyon sa Physics. Tapos imbes na magtodo aral ako, nanuod ako ng game nila sa T.V live. Kalaban nila Mongolia sa Panaad stadium. Wala talaga ako idea sa football. Gusto ko lang manuod kasi feeling ko masaya. Wala akong rules na alam, wala akong player na kilala. Tapos nung pinanuod ko na, grabe ang intense! Nakakaaliw pala talaga lalo na kung ang pinaglalaban dito ay yung bansa mo. Dun nagsimula ang lahat. Sinuportahan ko na sila at unti-unti ko na ring nagustuhan ang football. Naglaro na ako ng mga games at kinuha kong P.E ay football para maexperience ko naman. Naging idol ko na rin mga player eh, kahit sinasabi nila puro papogi lang at hindi naman nanalo. Siempre lahat naman dumadaan sa ganyan. Ako nga todo suporta ako sa Dallas kahit nung mga panahon na natatalo sila. Kahit tinatawanan ako ng mga classmate ko kapag sinasabi ko every season na sila magchampion. Pero alam ko naman na magchampion din sila sa hinaharap eh. Ayun natupad nga last season.

  Simula na ng AFC Challenge Cup 2012 bukas, isang malaking pagsubok nanaman ang kakaharapin nila. Bad timing siguro yung mga issues at kontrobersiya na kinakaharap nila pero sana huwag to makaapekto sa kanila.  Susuportahan ko kayo manalo o matalo at alam ko darating ang panahon na lalakas din tayo. Salamat dahil pinasikat niyo yung football sa Pilipinas at katulad ko na fan lang, thank you dahil pinapasaya niyo ako sa mga laban niyo. Alam ko may ibubuga kayo at may puso kayo ng pinoy. Kung may naninira kayo, huwag niyo na sila pansinin. Tiwala lang at good luck sa mga laban niyo. Go Azkals! Ito yung video ng laban nila sa Vietnam, simula ng pagsikat nila. Idol ko talaga kayo Phil at Neil. Sana makapagpautograph naman ako kahit minsan. 




No comments:

Post a Comment