Friday, September 21, 2012

Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 3

  Isa nanaman pong paglalakbay ang aming nagawa. Sinubukan namin gumawa ng storya ngunit nahirapan kami magshoot. Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay at pagsuporta niyo sa aming palabas. Nawa'y huwag kayong magsawa at patuloy na matawa sa mga korning jokes na hinanda namin.


Friday, September 14, 2012

Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 2

  Isang episode nanaman na punong puno ng kalokohan. 80% Nonsense. 20% Kwento. Kung icoconsider na kwento yung last part. Sana huwag po kayo magsawang subaybayan kami, dahil hindi po kami magsasawang kulitin kayo. :) Nangangailangan po kami ng mga artistang papayag na makatrabaho ang naggwagwapuhan naming mga artista.

Sunday, September 9, 2012

Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 1

  Ang matagal ko ng plinaplano na magawa. Sana magtuloy tuloy. Nangangailangan nga pala po kami ng nakakatawang scriptwriter. Mas okay sana kung natural siyang nakakatawa at kung mataba. Joke lang. Enjoy!


Wednesday, September 5, 2012

Blogging Gutom #11: Effort

  Ilang taon na ako nagaaral. Halos lahat ng pagsubok na pagdaanan ko na. Iba't ibang klase ng tao at professor ang naranasan ko na. Pero parang hindi pa rin sapat minsan yung mga pinagdaanan ko. Kadalasan kasi ang pinagkukuhanan ko ng sipag magaral ay yung tipong babagsak na ako. Alam kong alanganin na ako kaya kumikilos na ako. Dati pa lang gusto ko na baguhin yun kasi sana man lang nakakilos na ako para hindi bumagsak. Eh ang nangyayari hinihintay ko muna madelikado ako eh. Kumbaga parang bida sa Filipino Movies, nagpapabugbog muna yung bida bago manalo. Pero mukhang hindi ako mananalo ngayon. Siguro nakatagpo talaga ako ng weakness ko na subject. Kahit feeling ko ibinibigay ko na lahat, wala pa rin. Pero hindi ko pwedeng palampasin dahil importante talaga ito sa akin. Hindi ko ba alam bakit di ako kayang mahalin ng subject ko na to.