Noong mga nakaraang araw, feeling ko paulit ulit nalang nangyayari sa buhay ko. Parang tulog, computer, kain, pasok sa school. Napapaisip tuloy ako kung may kahihinatnan na ako sa buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung maabot ko pa mga gusto kong abutin. Minsan iniisip ko nalang yung mga bagay na gusto kong mabili kapag nagtratrabaho na ako. Para magsilbing inspirasyon man lang sakin. Pero mahirap talaga lumalabo pa rin. Nagpatong patong na lahat ng mga dapat gawin, parang nawawalan na ako ng gana umaksyon. Nawawalan na ako ng silbi. Kaya naisip ko pa rin kung tama ba tong pinasok ko. Tapos biglang bumagsak pa ako ng isa pang pagkakataon sa subject na nahihirapan ako. Naisip ko, tama na. Siguro nga nageeffort ako, pero hindi pa lahat. Hindi ko pa binigibigay lahat ng makakaya ko. Kaya simula ngayon, lilimutin ko na muna lahat ng mga computer games. Sana makapagfocus ako ngayon. Ngayon ko lang natutunan ang halaga ng oras at ng focus. Habang may oras, hindi pa huli ang lahat.
Napakahalaga talaga ng effort. Mas nagkakaeffort kasi ako kapag gusto ko yung ginagawa ko eh, katulad nitong video na to. Punong puno to ng effort, pero hindi ako napapagod kasi masaya naman gawin. Tsaka iba talaga kapag mahal na mahal mo yung trinatrabaho mo. P.S Pagpasensiyahan niyo na kung panget hehe mahalaga yung effort. :)
Baka naman wala ka sa tamang landas kaya ka nagkakaganyan...hindi kaya??
ReplyDeletejust a thought