Ngayong semester na ata ang pinakanakakapagod na semester. Buong time mo binibigay mo sa academics para sa isang goal, makagraduate on time. Sino nga ba naman ayaw grumaduate on time? Lahat naman tayo gusto matapos lahat ng paghihirap natin sa school at madala sa trabaho kung saan kikita tayo ng malaking pera. Pero yun nga ba talaga lang lahat ang purpose ng buhay natin? Minsan naisip ko, last year ko na to (Dapat at sana) pero imbes na magenjoy with friends at sulitin ang pagiging estudyante, pressure ang kinakain namin araw araw. Hindi naman pangit ang pressure na to, actually maganda nga to para ma-hone ang skills namin para sa darating na trabaho. Siguro namiss ko lang maging normal na estudyante. Mga events na di ako nakapunta, mga kwentong hindi na ishare at mga kapamilyang matagal na makita kahit nasa isang bahay lang.