Ngayong semester na ata ang pinakanakakapagod na semester. Buong time mo binibigay mo sa academics para sa isang goal, makagraduate on time. Sino nga ba naman ayaw grumaduate on time? Lahat naman tayo gusto matapos lahat ng paghihirap natin sa school at madala sa trabaho kung saan kikita tayo ng malaking pera. Pero yun nga ba talaga lang lahat ang purpose ng buhay natin? Minsan naisip ko, last year ko na to (Dapat at sana) pero imbes na magenjoy with friends at sulitin ang pagiging estudyante, pressure ang kinakain namin araw araw. Hindi naman pangit ang pressure na to, actually maganda nga to para ma-hone ang skills namin para sa darating na trabaho. Siguro namiss ko lang maging normal na estudyante. Mga events na di ako nakapunta, mga kwentong hindi na ishare at mga kapamilyang matagal na makita kahit nasa isang bahay lang.
Malapit na mag-September at tingin ko ito na ang climax ng "The Killer Semester." Siguro nga mahirap talaga pero heto na yun eh. Andito na, aatras ka pa ba? Kailangan ko ng lahat ng lakas para malagpasan ang buwan na to. Sana para akong si Son Goku na pwedeng magpataas ng kamay sa mga tao para kumuha ng lakas sa iba. Hopeful lang ako na sana, lahat kami sabay sabay graduate. Alam ko may times na tinatamad kami at nagiging relax, pero gusto ko makita na maging successful lahat kami sa future. Baka sa mga susunod na time na magkita kita kami, busy man kami sa trabaho at least ibang bagay na problema namin.
Anyway sa sobrang bored ko minsan, natry ko tignan yung mga tao na lumalabas sa twitter feed ko. Wala ako pinapatamaan dito o ano man, base lang to sa obserbasyon ko. Kung natamaan ka, sorry pero gusto ko lang ishare yung mga napapansin ko. Isa rin naman ako dito, at mamaya sabihin ko kung ano ako dun. Tsaka panganatawan natin kung ano tayo, huwag kung ano ang sinasabi ng iba. Kaya kung andito ka eh, be proud! Heto yung mga klase ng tao na aking napapansin.
"The Information" - Itong mga tao na laging maasahan na kukunan na impormasyon. Napakauseful nila lalo na sa mga certain situations. Talagang dapat sila i-follow lalo na kung gusto mo maging up to date.
"The Sports Guy" - Tingin ko dito ako nabibilang. Ang mga taong sobrang hilig sa sports at kumukuha ng balita sa twitter. Mga finofollow mga athlete at kung sino sino pa. Walang ibang ginawa kundi magretweet ng post ng mga athlete na malamang yung mga ibang nagfofollow sa kanila ay hindi naiintindihan kung anong nireretweet. Lahat ng klase ng sport, NBA, WNBA, Wrestiling, Football, Cheering, Jumping jacks etc.
"The Rant All" - Mga taong walang ginawa sa buhay kundi mag Rant. Well, minsan nabibilang ako dito. Ang sarap kasi sa pakiramdam isigaw sa mundo lalo na kung may kinaiinisan ka at nirereklamo. Parang gusto mo ishare kasi alam mo may ibang tao rin na ganun ang nararamdaman. Madayang sistema, nadupang sa pagkain, kinulang sa sukli o naisahan ng classmate ay masarap ishare. Sana lang huwag madalas magrant na kada segundo at bawat tweet ay reklamo.
"The Pseudodoer" - Walang ganyang word naisip ko lang yan. Or kung meron man baka di ko alam. Ito yung mga taong mahilig magpanggap na may ginagawa. Dinedetalye lahat ng ginagawa kahit hindi naman mahalaga at hindi naman talaga ginagawa. Sinasabi lang to impress. Minsan ganito rin ako like for example you know im blogging gutom and etc.
"The Kainggit" - Mga taong sobrang nakakainggit sa twitter lalo na kapag nakikita ko mga tweets nila. Sobrang sana ako nalang siya ang saya ng ginagawa niya. Yung mga tipong nagtweet na nanunuod ng NBA game, tapos kinabukasan nasa Moon yung mga ganung tao.
"The Retweet Master" - Ito yung tipong mga CCTV type ng tao. Hindi masyado masalita pero sobrang mapagmasid. Nagreretweet lang ng mga trip nila pero hindi nagsasabi ng sarili nilang idea. Pag may gusto sila, retweet ng retweet!
"The Quotes Expert" - Boy banat, love quotes, jokes lahat na ata ng quotes niretweet. Pero nakakatawa to lalo na kung nakakarelate ka sa quotes nila.
"The Laging Sawi" - Gusto ko ilagay yung meme na I feel you bro. May mga tao talagang sawi magtweet. yung tipong pagnagtweet talagang ramdam na ramdam ang kasawian. Naiisipin mo, hala sawi nanaman siya.
"The Now Playing Guys" - Mga taong nagtweet ng now playing nila. Siguro gusto lang nila magshare ng music nila para pagnabasa mo, uy pinapakinggan mo rin yung kanta ni Jograd Dela Torre? Theme song namin yun ng BF ko!
"The Clowns" - Ito yung mga taong gusto ko talaga finofollow. Sobrang nakakatawa sila, kahit magtweet lang ng Hi or hello natatawa na ako. Malamang dahil kilala ko lang sila in person kaya siguro alam ko kung paano sila magpatawa kaya natatatawa ako sa bawat ginagawa nila. Masaya sila ifollow dahil nakakagaan sila ng pakiramdam pag nagpapatawa.
"The Machine Gun" - 1 million tweets a day.
Ayan wala na ako maisip, sana natuwa kayo sa post ko kahit medyo mahaba. Anyway kung naoffend ka sa post ko dahil feeling mo isa ka dito wala ako magagawa dun. Baka kung may makabasa man nito, maisip ko yung mga "The Patama Guys". Hindi na kailangan ng description. Alam niyo na yun. Basta be happy lang always, share the happiness para magaan pakiramdam natin lahat kahit pa maraming problema.
Forever Alone - eto yung mga tao na nakalagay ang BB Pin, iMessage, Instagram sa description nila. Kung minsan, tintweet ang number nila, WeChat ID may iba na telephone number pa.
ReplyDeleteMagandang idea yan pre! haha
DeleteThe Unintelligible (alternatively, The Hipster)
ReplyDeleteTweets na walang nakakarelate. Fangirling sa obscure indie band, quotes galing sa 60s cult TV shows, pag-fastboot flash ng latest pre-alpha modded Linux kernel sa Android, player transfer ng eight-placed team sa German football league...