Monday, February 27, 2012

Blogging Gutom #1:Estudyante

  Ang tagal na pala bago ako makapagdagdag ng bago dito sa blog ko. Hindi ko alam kung ano dahilan kung bakit huminto ako sa pagupdate. Siguro naging busy lang sa kung ano ano. Pero naramdaman ko na gusto ko na buhayin ulit to. 

 Ngayon siguro yung mga oras na nararamdaman ko kung gaano kahalaga ang edukasyon. Siguro dati puro pahinga lang ako at walang pakialam. Iniisip ko lang dati ano gagawin ko sa bakasyon. Ngayon ilang taon nalang gragraduate na ako, nararamdaman ko na yung pressure. Hindi naman pressure sa magulang, pressure din sa sarili. Siempre may mga gusto rin naman ako makuha kahit papano. Ayaw ko maging palamuning baboy nalang habang buhay. May mga gusto rin akong bilhin at tumikim ng ibang pagkain bukod sa siomai at pares araw-araw. Ang hirap lang ng ganitong feeling lalo na kung hindi mo alam ang mangyayari sa kinabukasan mo. Dati excited ako magtrabaho, dahil gusto ko na kumita. Ngayon feeling ko wala akong kikitain dahil kulang pa yung kaalaman ko. Tama nga yung sinabi nila na edukasyon ang makakapagalis ng takot sa isang tao na harapin ang hinaharap.

  Tingin ko naman hindi lang ako ang nakakaramdam nito. Alam ko marami ring ibang college students ang nararamdaman to. Siguro kasi dahil hindi kami kasama sa may "connections" at bahala na si "daddy" sa future. Kahit papano gusto ko rin gumawa ng sariling pangalan. Kumbaga parang showbiz nga. Kung titignan ko kasi ngayon, parang lalaban ako sa gera ng hindi handa. Tingin ko sobrang di sapat ang kaalaman ko para sa magtrabaho. Ramdam na ramdam ko na ang epekto ng mga walang klase, walang prof. at maraming activities. Kung dati masaya ako, ngayon medyo hindi na. Sinabi nga ng isa kong teacher na siya rin nagsimula sa scratch nung nagtrabaho siya. Ayoko naman mangyari sana sakin yun. Gusto ko kahit papaano makasabay ako at magawa ko yung trabaho ko. Sana sa mga susunod na araw mawala na tong takot na nararamdaman ko, lalo na at magsusummer na. Sa ngayon, ienjoy nalang natin ang video na ito:


No comments:

Post a Comment