Thursday, March 1, 2012

Blogging Gutom #2: Unknown Number

  Paano kung may magtext sayo ng ganito pero hindi registered yung number - "hi this is (insert teacher name here), wala kayong klase ngayon sa (insert subject here)" Maniniwala ka ba? Nangyari to kanina sa classroom. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako or hindi. Paano naman malalaman ng prof. yung number at bakit ikaw pa yung itetext? Nung una hindi ako naniniwala akala ko may nangtritrip lang. Tapos nung tinanong namin, number niya nga. Ang hirap lang kasi paniwalaan dahil sobrang daming manloloko ngayon lalo na kung walang klase.

  Magmarch nanaman, marami nanamang araw na walang tulugan. Puro deadlines, deadlines, deadlines! Hindi ka na magkandaugaga sa kakagawa. Di mo alam kung papasa ka sa calculus exam mo, o maFA ka na sa Theology class mo. Ngayong march ang buwan ng hapitan. Literal na hapitan. Marami kasing excited ng magbakasyon eh. Masyado mo na iniisip yung bakasyon, ayan tuloy magaaral ka sa bakasyon. Kaya dapat ngayong march, bawal na ang late. Bawal na ang tulog tulog sa klase. Bawal na magdrawing habang naglelecture si Maam. Kumbaga dapat All in na. Kaya dapat ihanda na ang mga sarili natin. Isang buwan nalang naman na sobrang haba dahil sa mga ginagawa. Kapag natapos to happy happy na. Makakalimutan nanaman ang mga pinagaralan.

So good luck nalang sa lahat, at sana matapos ng maayos ang school year na ito. At dahil siempre, gusto ko ishare yung ginawa kong video na pinagsama sama ko yung impromptu speech ng buong section namin. Enjoy! 


No comments:

Post a Comment