Simula nung magtatapos yung second semester ko ng second year, medyo nahilig ako sa pagbebenta ng sapatos. Literal na pagbebenta at bumibili rin. Nakakatuwa nung una dahil ang dami kong sapatos at nabebenta ko rin yung iba. Kung baga umiikot lang yung pera ko at minsan nadaragdagan pa. After ilang taon, nakabili rin ako ng original na jersey ng idol ko. Nakakatuwa rin kasi parang achievement yun lalo na pinaghirapan ko yung pera na pinangbili dun. Siguro nung una nageenjoy ako, at sabi ko sarili ko titigil din ako at some point. Hinihintay ko lang yung moment na titigil ako pero dumating ng di inaasahan yung nagpatigil sakin.
Nakipagdeal ako sa isang taong hindi ko kakilala. Hindi ko alam ano nangyari sakin at naniwala ako eh, siguro masiyado lang ako mabilis magtiwala sa tao. Meron din naman kasing mga taong nakakabili na rin sa kanya ng item kaya naniwala na rin ako. Ang mali ko, nagpauto ako. Isa pang mali, naniwala ako. Ngayon tuloy ako yung kawawa. Pero sabi nga nila may dalawang tao lang sa mundo, isang mangloloko at isang naloloko. Sa kwentong to, ako yung naloko. Nagpadala nga siya pero hindi yung talagang item na napagusapan, ang malala pa rito ay sobrang magkaiba yung presyo. Nangako siya na babayaran niya yung kulang pero hindi na rin ako umasa. Niloko na nga niya ako nung una, maniniwala pa ba ako?
Hindi ko alam bakit may mga tao na nabubuhay sa ganito. Bakit kaya nila nagagawang mangloko? Siguro dahil sa kinalakihan nila? O baka minsan dahil dala na rin ng matinding pangangailangan? Hindi ko alam at hindi ko masabi. May kanya kanyang dahilan eh, malas ko lang at ako yung tinamaan ng kalokohan nung taong ito. Mahirap nga siguro magtiwala sa tao, dapat talaga pinaghihirapan yung tiwala. Hindi lahat ng story may happy ending. Ilang araw din akong di pinatulog ng problemang ito. Naisip ko nga nung una magbenta nalang ng gamit para mabayaran yung utang eh, buti nalang di pa rin ako sumuko. May bumili naman nung shoes na pinadala niya at kahit papano nagawan ko ng paraan. Ang dami kong natutunan sa mga nangyari sakin sa mga nakaraang linggo, at hanggang ngayon nadarama ko yung epekto. Siguro nga matinding lesson talaga to na dapat pagdaanan. Alam ko maraming nagsasabi na ang engot ko at hindi ako nagiisip pero wala eh nangyari na. Ano pa bang magagawa ko? Sabi nga nila para mas matuto ka dapat maexperience mo. Sa nangyari sakin, ramdam ko yung sakit at ayoko na maulit ito.
Mahirap pala talaga magtiwala. May mga tao na gusto nakakalamang at walang konsensiya. Siguro nga wala akong nagawa para may mangyari sayo, pero sana wala ng maloko pa. Ingat nalang din tayo lalo na sa mga taong ganito. May mga kakilala rin akong naloko na at mas malala pa sakin. Kaya sa mga nangloloko diyan, darating din ang araw niyo. Kung nagmumura lang ako, minura na kita nung unang beses pa lang kitang nakausap. Salamat na rin at naturuan mo ako ng isang lesson na hindi ko makakalimutan. At sakto nga naman yung isang quote dun sa pinanuod kong pelikula, "Why do we fall? So we can learn to pick ourselves up." Mahirap sukuan ang problema, dapat talaga matuto tayong harapin to. Gaano man kabigat o ilang araw man tayong hindi makatulog. Dapat harapin natin ito.
Kaya kung nasaan ka man ngayon, at kung tunay na pangalan mo man yung ginagamit mo at picture yung nasa facebook mo. Pagdadasal pa rin kita, sana magbago ka. Kung nasaan ka man ngayon Acepaul Lorenzo ng Olongapo City, acepaul02 sa ibang websites, makakahanap ka rin ng katapat mo.
No comments:
Post a Comment