Wednesday, May 16, 2012

Blogging Gutom #8: Blame Game

  Dumarating talaga sa buhay natin yung panahon na kailangan nating pumili. Yung hindi natin alam kung ano mangyayari, ang masama pa kahit ano ang piliin natin ay may kapalit. Isang halimbawa ay yung presectioning namin. Well, sa totoo lang ayoko naman talaga gawing big deal ito. Pero habang nalalapit na yung araw, mas lalo akong napapaisip eh. Saan nga ba?

  Siempre bawat isa may pros and cons. Apat ang choices, pero inarrow ko na sa dalawang gusto ko talaga. Yung choice A, kahit di gaano kaganda ang schedule (isa sa deal breaker para sa karamihan) pero sakin okay lang kasi panggabi at para maiba naman dahil puro nalang pangumaga. Maayos din ang professor dito kahit yung iba hindi ko pa kilala. Makakatipid din sa baon, pero ang pinakadownside nito ay mahihiwalay na sa mga kabarkada. Yung choice C naman, pangumaga pero may ayaw ako isang professor. Pero ang kagandahan andito yung mga kabarkada ko. Saan nga ba?


  Minsan inisip ko, importante rin ang mga kabarkada kasi siempre dun ka kumportable. Pero naisip ko rin na minsan nagiging sobrang tamad na ako at nakadepende na ako sa kanila. Siguro minsan maganda rin yung maiba naman yung scenery. Pero siempre mas gusto ko pa rin kung magkakasama pa rin kami, sayang lang talagang kailangan na ata maghiwa-hiwalay. Kaya good luck nalang, kung ano man ang piliin ko sana maganda at may nakalaan para sa akin doon. Sana lang hindi ako magsisi sa huli.

     Tanggal na ang Mavericks, pero bawi nalang next year. Sana makuha nila si Deron Williams.



No comments:

Post a Comment