Friday, July 27, 2012

Blogging Gutom #10: Mga Uri ng Programmer

"Suko na ako. Ayoko na maging programmer. Bat ko ba pinili tong course na to? Ang hirap naman. Pakopya ng codes. Okay ng 40 kesa pagod!"

  Yan ang mga salitang madalas kong marinig sa mga kaibigan ko o ako mismo minsan nasasabi ko na rin yan sa hirap. Marami sinisisi ang mga magulang, maraming sinisisi ang sarili kung bakit ito ang pinling course. Ako nga hindi ko rin alam bakit ito pinili ko eh. Natuwa pa ako kasi nung HS ako, yung exemption general average dito ay 89. Wow, mataas standards nito. Tama nga naman, mataas standards, mahirap para sakin.


Wednesday, July 25, 2012

Blogging Gutom #9: Router

  Habang patanda ako ng patanda, mas lalo kong nararamdaman ang halaga ng pera. Dati kahit anong gusto ko binibili ko. Turo dito turo doon. Pero ngayong medyo nagkakaedad na ako, 19 pa lang naman, nararamdaman ko na kung gaano kahirap kumita ng pera.

  Ngayong college na ako, sobrang higpit ko na sa pera. Dapat talaga magipon ako ng todo para mabili gusto ko. Mahirap na kasi magpabili ng magbili lalo na kung alam mong mahirap kumita talaga. At lalo na kung yung bibilhin mo eh luho mo lang naman. Dati takot na takot ako gastusin pera ko, pero ngayon mas nararamdaman ko na pangangailangan na dapat ako na bumili ng mga bagay na kailangan ko. Kadalasan ng mga nabili kong bagay, kundi computer related, sapatos or jersey. Bago ako bumili, nauubos oras ko sa kakahanap ng murang presyo, kumbaga yung makukuha ko yung gusto kong bilihn sa mas mababang presyo.