Friday, July 27, 2012

Blogging Gutom #10: Mga Uri ng Programmer

"Suko na ako. Ayoko na maging programmer. Bat ko ba pinili tong course na to? Ang hirap naman. Pakopya ng codes. Okay ng 40 kesa pagod!"

  Yan ang mga salitang madalas kong marinig sa mga kaibigan ko o ako mismo minsan nasasabi ko na rin yan sa hirap. Marami sinisisi ang mga magulang, maraming sinisisi ang sarili kung bakit ito ang pinling course. Ako nga hindi ko rin alam bakit ito pinili ko eh. Natuwa pa ako kasi nung HS ako, yung exemption general average dito ay 89. Wow, mataas standards nito. Tama nga naman, mataas standards, mahirap para sakin.



  Ang programming ay parang sa basketball lang. May iba't ibang types ng programmer, parang iba't ibang type ng basketball player. May tatlong klase ng programmer (Base sa aking obserbasyon sa klase). Una, "Mga Pinanganak para MagProgram". Sila yung mga kakilala ko na sobrang galing magprogram. Mabilis nila naiintindihan at mabilis rin nakakatapos ng mga program. Para sa kanila talaga tong course na to. Kahit hindi siguro sila magaral, makukuha nilang sagutan yung problem. Sobrang dali lang para sa kanila. Kahit ipatingin ko codes ko, alam na nila ang mali kahit ako hindi ko alam. (10% sa class) P.S Cheese, dito ka nabibilang.  Kung sa basketball, sila yung mga talentado talaga. Parang sila Lebron, Kobe, Dirk,Caliwag etc. Pangalawa, "Mga Super Sipag Students". Ito yung ibang students na hindi naman gaano kagaling magprogram. Pero dahil sa kanilang kasipagan at pursigidong magaral, nakakasabay sila kahit medyo matagal nila magawa yung program compared sa mga talentadong programmers talaga. Pero siempre may limitations pa rin. Merong mga bagay na hindi nadadaan sa aral lang. (20% sa class). Kumbaga sa basketball, sila yung mga nadraft na may skills pero wala gaanong potential. Mga umaasa sa work ethic at nagtratraining para lumakas pero may hangganan. At yung pinakahuli, ang mga "Survivors". Ang mga kumakapit sa patalim, mga kumakapit sa katabi at kumakapit sa kung saan saan. Mga kaduda-dudang nakakagawa ng isang napakahirap na program sa loob ng isang buong minuto. Survivors kasi sila yung mga tipong walang alam sa programming pero nakakapasa, minsan nga nakakakuha pa ng mataas sa mga masisipag. Kumbaga sa basketball, sila yung mga bench players na hindi matanggal tanggal sa team kahit anong mangyari. (70% sa class). Yung mga percentage dito, base lang sa opinion ko. Kung ako siguro, 90% Survivor 10% Masipag. Gaya ngayon, may prelims kami bukas ito inaatupag ko.

  Hindi ko alam kung tama tong napasukan ko. Pero malamang may dahilan kung bakit ako nandito. Hindi man ako magaling, pero siempre hindi naman dun matatapos ang lahat. Huwag mawalan ng pag-asa. May chance naman para gumaling, dapat lang natin tanggapin ang mga limitations natin at subukan lagpasan yun. Malay mo, within 30 years, alam mo na kung paano patakbuhin ang for loop.


No comments:

Post a Comment