Habang patanda ako ng patanda, mas lalo kong nararamdaman ang halaga ng pera. Dati kahit anong gusto ko binibili ko. Turo dito turo doon. Pero ngayong medyo nagkakaedad na ako, 19 pa lang naman, nararamdaman ko na kung gaano kahirap kumita ng pera.
Ngayong college na ako, sobrang higpit ko na sa pera. Dapat talaga magipon ako ng todo para mabili gusto ko. Mahirap na kasi magpabili ng magbili lalo na kung alam mong mahirap kumita talaga. At lalo na kung yung bibilhin mo eh luho mo lang naman. Dati takot na takot ako gastusin pera ko, pero ngayon mas nararamdaman ko na pangangailangan na dapat ako na bumili ng mga bagay na kailangan ko. Kadalasan ng mga nabili kong bagay, kundi computer related, sapatos or jersey. Bago ako bumili, nauubos oras ko sa kakahanap ng murang presyo, kumbaga yung makukuha ko yung gusto kong bilihn sa mas mababang presyo.
Isa ngang nakakatawang experience ko ay last month lang. Naisipan ko kasi bumili ng bagong router. Kasi yung router ba naman namin ay 5 taon na tapos nung binili ko yun sobrang hindi ko pa alam gamit kaya nakatambak lang. Kaya siguro nagtotopak palagi. So ayun nga naghanap ako, sa iba't ibang website. Ang mahal kasi ng brand new. Yung mga magandang klase nasa 2k+ eh pera ko naman gagastusin ko dun nanghihinayang ako. Ang dami kong pinagtetext kung available pa mga binebenta nila. Tapos may isang nagreply sa akin. Sa sobrang dami kong tinext, di ko alam kung ano yung binebenta niya at magkano ang original price. Ang huli kong text sa kanya, "Sir available pa po ba Linksys Router niyo? Kaya po ba ng 1.3k? Kahit kunin ko na mamaya." Siempre isang strategy yung kunin ko na mamaya. Kahit wala akong idea kung magkano original or kung magkano binebenta.
Kinabukasan, nagreply siya tapos sabi niya sakin sige sir. So tinanong ko kung saan meetups, sabi niya sa SM North daw, eh di pumayag ako. Tapos tinanong ko kung anong model. Tapos sinabi nung sinabi niya yung model, todo hanap ako sa internet kung magkano retail price. Nasa 2400 ata ang brand new. So naisip ko ang mahal naman ata niya binebenta. Tapos tinanong ko kung ilang months na nagamit. Ginamit niya raw ng 4 months tapos nakatambak nalang. So inisip ko, sabi ko sir last tawad na po kaya po ba ng 1K. Tapos tagal niya magreply. Pero pumayag na rin so masaya ako nun kasi magkakaron na ng bagong router.
Ang lakas ng ulan nun kakatapos lang ng klase. Diretso agad ako dun. Kasabay ko pa ang si Diorisse. Niloloko ko siya na pagnawala ako bigla, siya nakakaalam kung nasaan bangkay ko. Tapos talagang bumuhos ulan. Sabi niya, kung okay lang ba sa Shell Station nalang kami magkita tapat ng West Ave. Sabi ko sige. Tapos mga 30 mins din ako naghintay sa kanya, napabili pa ako ice cream ng di oras. Tapos biglang may kotseng lumapit sakin. Kalbo yung driver sabi niya "ikaw ba yung sa Router?" Sabi ko "Opo". Tapos sabi niya "Sige pasok ka sa sasakyan." Sabi ko naman "Ano po?" Sabi niya "Sakay ka dito." Eh di nagdadalawang isip pa ako kasi baka kung anong gawin sakin or kung saan ako dalhin. Tapos pagsakay ko, nakita ko. Kalbong mama na maraming tattoo. Tapos biglang nagulat siya, "Oh estudyante ka pala! Oh ayan murang mura na yan ah. Regalo ko na sa iyo yan!" Akala ko naman libre na. Pero natakot ako itanong kung libre na ba. Tapos pinakita niya, kumpleto nga at bagong bago. Natuwa ako kasi mura lang. May resibo pa kamo! Tapos sabi ko, nanginginig pa boses at nagmamadaling umalis, "Kuya, pag di po ba gumana pwede ko ibalik?" Sabi niya "Sige lang. Bibigyan pa kita ng 500 kapag di gumana. Para may pangdate ka." Tapos nung umalis na ako, nagthank you ako. Sabi niya ingat daw ako at gamitin ko raw yun sa maayos.
So natutunan ko na dapat hindi ka pala humusga talaga ng kapwa kahit na nakakatakot siya. Hindi mo alam may ginintuan pala siyang puso at napakabuti niya. Ngayon gumagana na ang router at wala pang problema. Maraming salamat kay Kuya!
No comments:
Post a Comment