Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog ng maayos. May mga araw na lumulutang nalang palagi isipan ko. Hindi ko maintindihan mga nararamdaman ko at naghahanap ako ng kasagutan. Pero siguro hanggang ngayon may mga bagay bagay na napapaisip pa rin ako kung tama ba or mali yung ginawa ko. Ngunit wala naman ako magagawa kundi harapin nalang. Siguro may reason din kung bakit ako nandito at kung bakit sa tingin ko ay nahihirapan ako ngayon. Wala naman talagang madali. Ngayon ko lang siguro nadama yung ganitong pakiramdam na baka hindi ako magsucceed sa ginagawa ko. Gaya ng sabi ko sa sarili ko dati, ayoko mag "settle for less". Gusto ko lahat ng ginagawa ko high standard pero minsan napapaisip ako paano kung hindi ko talaga kaya? Or hindi ko lang talaga kinakaya?
May mga bagay na sadyang gusto kong magawa pero minsan hindi ko talaga kinakaya. Kinukulang ba ako sa tiyaga? Hindi ko naman masabi. Ayoko rin naman maging walang paki na iaasa nalang lahat sa kapalaran. Na sadyang bahala na lang kung ano mangyari. Hindi ako ganun eh pero sa pagtagal na pagtagal parang dun ako napupunta sa direction na yun. Ngayon naghahanap ako ng mga kasagutan, isa sa mga pinaghanapan ko ay nung Internship ko. Flashback muna.
Natutuwa ako kasi ang saya pala magpasa pasa ng mga resume sa mga kompanya. Ang saya kasi binebenta mo sarili mo sa kanila gamit yung mga achievements mo. Kung binabasa ba nila yun lahat ng mga nagpapasa. Akala ko nung una walang tatanggap sakin. Yung mga iba kong mga classmates nagsisimula na pero ako naghihintay pa rin, ineenjoy yung bakasyon. Hanggang sa dumating yung time na may tinawag ako ng ACN. Nakakatuwa kasi gusto ko talaga yung company na yun. Base sa mga nakalap kong information kung saan saan, maganda raw talaga training nila. At dahil isa sa mga frustrations ko ang kakulangan sa mga nalalaman ko ngayon feeling ko isa to sa mga sagot na hinihintay ko.
Pumunta ako sa CG. Akala ko malalate pa ako kasi di ko alam paano pumunta. Nakakatuwa kasi ang ganda ng lugar at talagang maraming tao. Alam mo na maraming nagsusumikap para maabot yung mga gusto nila. Kinakabahan pa ako kasi pinagexam kami natatakot ako na bumagsak kasi hindi naman ako nagreview. Pero buti naman nakapasa ako. Kasama ko yung kaibigan ko na si Jan. Parang magkasama na kami sa lahat ng mga paglalakbay namin lagi. Tapos seatmate pa kami. Sabi ko nalang sa kanya, "Pre, sana parehas tayo umuwi masaya kasi gusto ko talaga makapasok dito." Alam ko gusto niya rin talaga makapasok dun at kung magsesettle kami sa isang company. Okay na okay doon.
Dumating na yung oras. Ininterview na ako ni Ms.Minette Bassig. Kinakabahan ako kasi first time ko interviewhin na job related. Naging honest nalang ako. Sinabi ko sa kanya na hindi ko talaga gusto mag Computer Science. Pero pinili ko to kasi feeling ko ito yung "safe course" ko. Sabi ko sa kanya, kung bibigyan ako ng chance alam ko pagbubutihin ko yun.
Ilang linggo na nakakalipas wala pa rin ako balita. Nagsimula na ako maghanap ulit. Kung saan saan ako nagapply. Hanggang sa isang araw, nakareceive ako ng text mula kay Ms. Minette. Sobrang saya ko kasi natanggap ako at magprocess na lang ng requirements. Hindi man ako nakapagthank you kay Ms. Minette sa personal, pero sobrang nagpapasalamat ako at pinili niyo ako. Ang daming nagapply pero napili niyo ako. Salamat dahil nabigyan niyo ako ng chance.
Sobrang dami kong natutunan sa internship ko. Hindi lang tungkol sa course ko pero sa lahat na rin. Pakikisama, pagsunod sa oras at paglaban ng pagod. Masaya siya kahit na may mga times na tinatamad lang ako. Pero naging masaya ang internship ko dahil sa mga tao na to.
Kay Alvin, yung co-intern ko na isa sa mga taong nakilala ko na napakagaling. Napakasipag niya at napakafriendly. May mga times na tinatamad ako pero siya talagang trabaho kaya gusto ko rin magsikap. Siya pa nga yung unang nagapproach sakin kasi nahihiya ako kumausap ng tao nung una. Sila Ian, Jamie at Camille, marami rami ang napagsamahan nating gala at kung ano ano pa. Marami rin akong natutunan sa kanila lalo na sa mga advice nila sa akin sa buhay. Kung ano ba talaga pwede kong gawin sa future. Hindi naging lonely ang internship ko dahil sa kanila. At masasabi ko isa to sa mga pinakamasasayang bagay na nangyari sakin. Tingin ko nga nakita ko na dito ang hinahanap kong sagot.
Siguro nga may mga pagkukulang ako kaya nararamdaman ko tong mga bagay na to pero alam ko may mga reason kung bakit nangyayari sa akin ang mga ito. Alam ko hindi lang sakin nangyayari to at sa mga ibang tao rin. Pero alam ko malalagpasan din tong mga bagay na to at sinulat ko tong blog na to para after siguro sampung taon, matawa ako sa mga paghihirap na pinagdadaanan ko. Sana lang lahat ng to ay lumipas din at maging maganda naman ang resulta. Ika nga ni Coach Pido, "Puso lang".
No comments:
Post a Comment