Monday, March 17, 2014

Blogging Gutom #15: Doggie and ArfArf


Jumbo (Mini Pinscher, 2mos) and Jimmer (Chihuahua, 2 1/2mos)

So medyo nahilig kami sa aso nung kelan lang, dahil nanganak na yung aso ng tita kong Chihuahua (Young Tze, wala sa picture). Sayang yung kasi tatlo yung anak, si Jimmer yung unang anak tapos healthy. Yung sumunod babae, nabuhay ng ilang araw pero namatay din. Yung pangatlo patay pagsilang palang. Tapos nakuha na nga namin si Jimmer kelan lang, nakakatuwa kasi may aso sa bahay tapos ang cute cute. After ilang araw. Nalaman namin na magbibigay samin ng Mini Pinscher, si Jumbo.

Nung una nagaalangan pa ako kay Jumbo kasi ayoko ng dalawang aso sa bahay, makalat magulo at madumi. Nakakatakot pa kasi laging nagaaway yung dalawa parang nagkakagatan. Si Jimmer kasi seloso. Tapos si Jumbo naman maharot, parang kangkarot. Pero after ilang days umok na yung dalawa. Friends na sila tabi pa sila matulog sa cage.

Monday, February 24, 2014

Blogging Gutom #14: Life and buhay

Naalala ko isang sunday last year, nagsimba ako sa isang napakagandang simbahan. Gabi yun, lagi kasi ako gabi nagsisimba. Tapos naabutan ko tong pari na to, naalala ko talaga siya kasi sobrang lively niya. Sobrang nakakatawa siya mag homily kasi talagang may interaction. Medyo kaboses niya si Leo Martinez tapos ang galing niya magpatawa. Talagang nakikinig lahat ng audience sa kanya. Nakakatuwa kasi hinahaluan niya ng mga personal experiences niya yung homily niya. Actually, tingin ko pwede siya maging DJ sa radio kasi ang husay niya talaga. Parang stand-up comedy pero siempre medyo maayos at formal kasi nasa simbahan. Ayun na ata yung huli kong kita sa kanya kasi lumipat na ako ng simbahan na inaattendan (Kasi mas gusto ko mas gabi).