Monday, February 24, 2014

Blogging Gutom #14: Life and buhay

Naalala ko isang sunday last year, nagsimba ako sa isang napakagandang simbahan. Gabi yun, lagi kasi ako gabi nagsisimba. Tapos naabutan ko tong pari na to, naalala ko talaga siya kasi sobrang lively niya. Sobrang nakakatawa siya mag homily kasi talagang may interaction. Medyo kaboses niya si Leo Martinez tapos ang galing niya magpatawa. Talagang nakikinig lahat ng audience sa kanya. Nakakatuwa kasi hinahaluan niya ng mga personal experiences niya yung homily niya. Actually, tingin ko pwede siya maging DJ sa radio kasi ang husay niya talaga. Parang stand-up comedy pero siempre medyo maayos at formal kasi nasa simbahan. Ayun na ata yung huli kong kita sa kanya kasi lumipat na ako ng simbahan na inaattendan (Kasi mas gusto ko mas gabi).



Then last Sunday, naisip kong magsimba dun. Sakto lang yung pagdating ko pastart na yung mass. Tapos yung pari di ko masiyado na kilala. Ayun so nagtuloy yung mass hanggang sa umabot na sa Homily. Nakita ko yung pari nagpapatulong pa bumaba ng hagdan. Tapos nung kinuha niya na yung mic at nagsalita. Naalala ko yung pari dati. Naisip ko grabe nagiba na itsura niya.

Sinabi niya nga nagkaron daw siya ng sakit. Nagulat ako kasi di ko siya nakilala. Tapos nagshare siya ng mga experiences niya sa hospital. Pero ang nakakatuwa ay hindi pa rin nawawala yung pagpapasaya niya sa mga tao. Andun pa rin yung pagpapatawa at mga audience interaction. Sobrang galing niya. Tuloy tuloy pa rin siya sa homily at sabi niya nga medyo iniklian niya yung homily niya kasi may sakit siya. Pero ang galing niya pa rin. Andun parin yung mala-DJ niyang paghomily. Makikita mo pa rin yung saya sa kanya.

Sabi niya nga na pag may sakit tayo, hindi natin controlado ang buhay natin. Kaya ingatan natin ang ating mga sarili. Sabi niya nga, ang mga kinamamatay daw ng mga tao sa Pilipinas ay hindi dahil sa walang gamot. Kundi dahil sa wala silang pera. Kasi nga naman magagawa mo lahat kung may pera ka. Yung ibang may sakit wala nalang magawa dahil sa kakulangan sa pera. Sabi niya pahalagahan natin ang buhay natin. Alam ko may mga pinagdadaanan din akong mga paghihirap lalo na ngayong graduating, pero may mga tao pang mas malalim ang pinagdadaanan. Sabi nga ni Father, kapag nagkakasakit tayo nasasabi natin na this time, magiging better ako.

Naisip ko yung sinabi niya, lalo na't ngayon darating ako sa isa sa mga pinakachallenging na part ng buhay ko. Magtatapos na ako sa eskwela at malapit ng sumabak sa pagtratrabaho. Nagkakaroon man ako ng doubts pero ngayon harapin ko nalang. Tumatak talaga yung sinabi ni Father na, this time magiging better ako. Binigyan ako ng chance makaabot dito, hinding hindi ko sasayangin yun.

No comments:

Post a Comment