Monday, March 17, 2014

Blogging Gutom #15: Doggie and ArfArf


Jumbo (Mini Pinscher, 2mos) and Jimmer (Chihuahua, 2 1/2mos)

So medyo nahilig kami sa aso nung kelan lang, dahil nanganak na yung aso ng tita kong Chihuahua (Young Tze, wala sa picture). Sayang yung kasi tatlo yung anak, si Jimmer yung unang anak tapos healthy. Yung sumunod babae, nabuhay ng ilang araw pero namatay din. Yung pangatlo patay pagsilang palang. Tapos nakuha na nga namin si Jimmer kelan lang, nakakatuwa kasi may aso sa bahay tapos ang cute cute. After ilang araw. Nalaman namin na magbibigay samin ng Mini Pinscher, si Jumbo.

Nung una nagaalangan pa ako kay Jumbo kasi ayoko ng dalawang aso sa bahay, makalat magulo at madumi. Nakakatakot pa kasi laging nagaaway yung dalawa parang nagkakagatan. Si Jimmer kasi seloso. Tapos si Jumbo naman maharot, parang kangkarot. Pero after ilang days umok na yung dalawa. Friends na sila tabi pa sila matulog sa cage.



Sunday, April 16,2014, Si Jumbo sumuka daw. Nung una di pinansin, kaso within the day tuloy tuloy na. So dinala sa vet. Tapos ayun, nainjectionan lavatiba ata dalawang beses. Tapos ang daming gamot parang tao na talaga. Pero nakakaawa rin si Jumbo kasi sobrang tamlay tapos nawala yung "Kangkarot" energy niya. (Tawag nga sa kanya ni James ay Kangaroo). Ngayon hiniwalay muna namin ng cage para di mahawa si Jimmer.

Tapos gabi na, nagprepare ako ng resume at t.o.r para sa job fair. Paglabas ko para maghanap ng stapler, may naamoy akong malisangsang na super deadly. Pagkita ko sa cage ni Jumbo, yung unan na hinihigaan niya sobrang kadiri halo halong suka, ihi, ebak. Nilabas ko muna, si Jambo may ebak trax pa sa paa. Pag tanggal ko nung unan, grabe yung amoy. Pinakamabahong amoy na na amoy ko as in. Parang ebak na suka na tae na bulok na basura na bagoong na panis na ewan. AS IN nakakamatay talaga yung amoy. Nilabas ko nalang tinapon ko na sa sobrang kadiri ng amoy. Para kang papatayin kung makulong ka lang sa amoy na yun with 1min.

So inugasan ko ngayon yung cage ni Jumbo, pero sobrang tamlay pa rin niya. At least medyo malinis na siya ngayon. Sana lang bumuti yung pakiramdam niya sa mga susunod na araw. 

No comments:

Post a Comment