Thursday, March 8, 2012

Blogging Gutom #6: Azkals

  Hindi naman talaga ako fan ng football dati. Tinatamad nga ako manuod kasi mahaba tapos ang tagal makascore. Nasanay kasi ako sa basketball na mabilis lang makascore. Kapag sa football grabe sa tagal tapos minsan wala pang nakakascore. Wala nga akong kaide-idea kung paano laruin ang football. Napanuod ko lang yan sa Shaolin Soccer. Nagulat ako dati nung bata ako akala ko talaga may Golden Leg na ganun kalakas sumipa. Pero nung tumanda ako hindi ko nahiligan talaga siguro dahil na rin sa hindi masiyado napaguusapan sa classroom at hindi masiyado sikat sa bansa. Pero nung kelan lang sumikat yung Philippine Football Team o mas kilala natin sa tawag na Azkals.

Tuesday, March 6, 2012

Blogging Gutom #5: Bagsak

  Noong elementary, kapag may bagsak ka wala ka ng pagasa. Noong highschool, kapag bagsak lagot ka sa magulang mo malamang sabon ka na at ngayong college, magkabagsak ka parang wala na lang. Hindi ko maisip bakit kaya naging ganun na yung mindset ng karamihan ng college student. Siguro nga kapag maraming gumagawa tingin ng iba ay tama na. Lagi ko nga sinasabi sa kaibigan ko, "Pare, kapag nasimulan mo na yan mahirap na tigilan." Dati rati hindi ako nalalate, ngayon parang wala na lang. Hawak mo na kasi oras mo eh, wala na silang pakialam sayo kasi matanda ka na. May responsibilidad ka na at marunong ka ng magisip. Sana lang lahat ng tao ganun magisip.

  Mahirap kasi makipagtrabaho sa mga walang responsibilidad. Bato bato sa langit, ang matamaan huwag magalit. Lahat ng bagay may oras para diyan. Minsan dapat alam natin kung saan tayo lugar. Gawin muna natin yung kailangan kasi maraming napeperwisyo. Huwag na tayo umasa sa iba lalo na at matanda na tayo. Paano pa kapag natrabaho na talaga tayo, kanino natin iaasa ang trabaho? Alam ko minsan nagiging tamad din ako pero ayoko naman maging pabigat lang. Gusto ko rin may naitutulong. Dapat alam mo lagi ang mga gawain mo. Para rin naman sa kinabukasan mo iyan eh. Mahirap lang masanay lalo na at ilang taon nalang ay sasabak ka na sa trabaho.

  Ilang linggo nalang, Finals week na. Make it or break it na. Pasahan ng mga sandamakmak na project. Mahirap na matambakan at kaya habang maaga magsimula na. Kaya share ko sa inyo yung video blog ko sa NSTP. Wala na talaga akong maisip kaya kung ano ano nalang sinabi ko diyan pero totoo galing lahat iyan sa puso ko. Sana matuwa kayo kahit corny. 




Sunday, March 4, 2012

Blogging Gutom #4: Advertising Student

  Simula first year high school ata ako, ang gusto ko ng course ay Computer Science. Siguro dahil tingin ko yun ang safest choice para sa akin, yun rin ang gusto ng mga magulang ko at tingin ko kaya naman ng kakayahan ko. Yun na talaga ang gusto ko hanggang nung 3rd year ako, nung makilala ko yung video editing. Natuto ako magedit nung third year ako, nung una ginagawa ko yun para lang sa project ganun. Hanggang sa sumali ako sa contest, tapos nanalo ako. Eh siempre kapag nanalo ka parang hahanap-hanapin mo yung recognition na nakuha mo. Kaya mas nagpractice pa ako, mas nagiisip na hindi yung basta basta lagay na lang ng lagay.

  Kaya pagdating ko ng fourth year, napaisip na ako. Mag Advertising nalang kaya ako. Kasi yung trabaho nun mageenjoy ako at panigurado gusto ko talaga yung ginagawa ko. Pero ang problema ko lang ay yung drawing. Dun talaga ako natakot eh, kinabahan ako baka di ako magexcel dahil sa drawing. Feeling ko yun lang kulang ko eh. Sayang talaga hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa desisyon ko. Mas pinili ko yung safe na choice kesa sumugal pero sasaya naman ako. Siguro nga may mas nakalaan sakin sa Computer Science. Pero ngayon hindi ko pa nakikita eh, hindi pa rin ako nageenjoy. Lalo pa nagdududa na ako sa kakayahan ko ngayon sa CS.

  Gustong gusto ko kasi gumagawa ng mga commercial. Magpromote ganun at kung ano pa. Ang dami kong idea eh, at yung iba nagagawa ko naman. Kaya ngayon, naging "business" na sa akin ang video editing. Kapag may mga nagpapagawa ieedit ko na lang pero siempre hindi libre! Pero minsan kapag close friend ko naman hindi ko na sinisingil. Siguro nga hanggang hobby ko nalang to. Pero kung pinili kong sumugal, ano kaya lagay ko ngayon? Eto pala yung ginawa naming commercial ng Aying's Pastillas. Masarap talaga siya, matutuwa kayo kapag natikman niyo. Sana magenjoy kayo sa ginawa naming commercial at sana suportahan niyo pa ang Aying's Pastillas!


Friday, March 2, 2012

Blogging Gutom #3: What is Love?

  Gumawa kami ng video sa NSTP last semester about love. Nakakatuwa lang kasi di ko alam na makakagawa kami ng ganyan video. Tinanong kasi kami kung ano daw ba ang definition namin ng love. Sobrang hirap din kasi magisip dahil sa sobrang daming pwedeng definition. Pinakacommon na diyan yung love is blind, love is in the air, love is pure, love is evol kapag binaliktad at kung ano ano pa. Depende rin naman kasi talaga sa isang tao yan kung ano meaning niya ng love. Minsan dahil na rin sa mga experiences niya. Yung iba dahil sa nasaktan sila, forever emo na sila. Pangit na ang definition nila ng love. Di naman natin sila masisi eh. Siguro hindi pa nila nakikita yung totoong meaning ng love. Yung kapatid ko nga na baby ang love ata sa kanya ay french fries. Kapag may french fries sobrang masaya na siya.

Thursday, March 1, 2012

Blogging Gutom #2: Unknown Number

  Paano kung may magtext sayo ng ganito pero hindi registered yung number - "hi this is (insert teacher name here), wala kayong klase ngayon sa (insert subject here)" Maniniwala ka ba? Nangyari to kanina sa classroom. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako or hindi. Paano naman malalaman ng prof. yung number at bakit ikaw pa yung itetext? Nung una hindi ako naniniwala akala ko may nangtritrip lang. Tapos nung tinanong namin, number niya nga. Ang hirap lang kasi paniwalaan dahil sobrang daming manloloko ngayon lalo na kung walang klase.