Noong elementary, kapag may bagsak ka wala ka ng pagasa. Noong highschool, kapag bagsak lagot ka sa magulang mo malamang sabon ka na at ngayong college, magkabagsak ka parang wala na lang. Hindi ko maisip bakit kaya naging ganun na yung mindset ng karamihan ng college student. Siguro nga kapag maraming gumagawa tingin ng iba ay tama na. Lagi ko nga sinasabi sa kaibigan ko, "Pare, kapag nasimulan mo na yan mahirap na tigilan." Dati rati hindi ako nalalate, ngayon parang wala na lang. Hawak mo na kasi oras mo eh, wala na silang pakialam sayo kasi matanda ka na. May responsibilidad ka na at marunong ka ng magisip. Sana lang lahat ng tao ganun magisip.
Mahirap kasi makipagtrabaho sa mga walang responsibilidad. Bato bato sa langit, ang matamaan huwag magalit. Lahat ng bagay may oras para diyan. Minsan dapat alam natin kung saan tayo lugar. Gawin muna natin yung kailangan kasi maraming napeperwisyo. Huwag na tayo umasa sa iba lalo na at matanda na tayo. Paano pa kapag natrabaho na talaga tayo, kanino natin iaasa ang trabaho? Alam ko minsan nagiging tamad din ako pero ayoko naman maging pabigat lang. Gusto ko rin may naitutulong. Dapat alam mo lagi ang mga gawain mo. Para rin naman sa kinabukasan mo iyan eh. Mahirap lang masanay lalo na at ilang taon nalang ay sasabak ka na sa trabaho.
Ilang linggo nalang, Finals week na. Make it or break it na. Pasahan ng mga sandamakmak na project. Mahirap na matambakan at kaya habang maaga magsimula na. Kaya share ko sa inyo yung video blog ko sa NSTP. Wala na talaga akong maisip kaya kung ano ano nalang sinabi ko diyan pero totoo galing lahat iyan sa puso ko. Sana matuwa kayo kahit corny.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAwww thank you po! Sinong cousin po?
Delete