Gumawa kami ng video sa NSTP last semester about love. Nakakatuwa lang kasi di ko alam na makakagawa kami ng ganyan video. Tinanong kasi kami kung ano daw ba ang definition namin ng love. Sobrang hirap din kasi magisip dahil sa sobrang daming pwedeng definition. Pinakacommon na diyan yung love is blind, love is in the air, love is pure, love is evol kapag binaliktad at kung ano ano pa. Depende rin naman kasi talaga sa isang tao yan kung ano meaning niya ng love. Minsan dahil na rin sa mga experiences niya. Yung iba dahil sa nasaktan sila, forever emo na sila. Pangit na ang definition nila ng love. Di naman natin sila masisi eh. Siguro hindi pa nila nakikita yung totoong meaning ng love. Yung kapatid ko nga na baby ang love ata sa kanya ay french fries. Kapag may french fries sobrang masaya na siya.
Dito sa video na ginawa namin, kumuha kami ng definition ng love sa mga random na tao. Hindi scripted o ano. Basta kung ano lang masabi nila agad, yun na yun. Kasi diba nga kung ano yung una mong masabi ibig sabihin yun talaga yung tuamtakbo sa isip mo. Natuwa nga kami kasi may sakto pang ikakasal tapos nakuhanan namin. Ang love nga talaga ang universal language. Minsan hindi mo na kailangan magsalita. Ipaparamdam mo nalang dun sa tao para masabi niya na mahal mo siya. Kahit di kayo nagkakaintindihan sa salita sa gawa niya maiintindihan yung sinasabi mo.
Pero kahit naman ata saang salita, hindi mawawala yung pagsisinungaling eh. Pero sa love mahirap talaga kasi mahahalata mo yung isang tao. Minsan yung sinasabi niya hindi parehas ng inaasal niya. Kung love mo talaga yung isang tao, makikita mo sa kilos niya at hindi sa salita niya. Pero kung ako tatanungin kung anong definition ng love ang pinakagusto ko, siguro yung Love ay hindi nasusukat. Ultra Gay Blog! Pagpasensiyahan niyo na, inlove eh. :)
No comments:
Post a Comment