Simula first year high school ata ako, ang gusto ko ng course ay Computer Science. Siguro dahil tingin ko yun ang safest choice para sa akin, yun rin ang gusto ng mga magulang ko at tingin ko kaya naman ng kakayahan ko. Yun na talaga ang gusto ko hanggang nung 3rd year ako, nung makilala ko yung video editing. Natuto ako magedit nung third year ako, nung una ginagawa ko yun para lang sa project ganun. Hanggang sa sumali ako sa contest, tapos nanalo ako. Eh siempre kapag nanalo ka parang hahanap-hanapin mo yung recognition na nakuha mo. Kaya mas nagpractice pa ako, mas nagiisip na hindi yung basta basta lagay na lang ng lagay.
Kaya pagdating ko ng fourth year, napaisip na ako. Mag Advertising nalang kaya ako. Kasi yung trabaho nun mageenjoy ako at panigurado gusto ko talaga yung ginagawa ko. Pero ang problema ko lang ay yung drawing. Dun talaga ako natakot eh, kinabahan ako baka di ako magexcel dahil sa drawing. Feeling ko yun lang kulang ko eh. Sayang talaga hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa desisyon ko. Mas pinili ko yung safe na choice kesa sumugal pero sasaya naman ako. Siguro nga may mas nakalaan sakin sa Computer Science. Pero ngayon hindi ko pa nakikita eh, hindi pa rin ako nageenjoy. Lalo pa nagdududa na ako sa kakayahan ko ngayon sa CS.
Gustong gusto ko kasi gumagawa ng mga commercial. Magpromote ganun at kung ano pa. Ang dami kong idea eh, at yung iba nagagawa ko naman. Kaya ngayon, naging "business" na sa akin ang video editing. Kapag may mga nagpapagawa ieedit ko na lang pero siempre hindi libre! Pero minsan kapag close friend ko naman hindi ko na sinisingil. Siguro nga hanggang hobby ko nalang to. Pero kung pinili kong sumugal, ano kaya lagay ko ngayon? Eto pala yung ginawa naming commercial ng Aying's Pastillas. Masarap talaga siya, matutuwa kayo kapag natikman niyo. Sana magenjoy kayo sa ginawa naming commercial at sana suportahan niyo pa ang Aying's Pastillas!
No comments:
Post a Comment