Wednesday, December 26, 2012
Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 7
Isang paskuhan special kung saan nakita ang fireworks at siempre mga tao sa paskuhan. Wala kami masyadong nasamang mga kung sino sino dahil hindi namin sila nacontact kaya nagfocus nalang kami sa mga libreng free hugs. Sana magenjoy kayo lalo na sa fireworks ng paskuhan sabi ng iba isa raw ito sa pinakamaganda. Pero hindi na ito yung buo pinutol namin yung iba para magkasya sa 7 mins. Enjoy! Merry Christmas sa inyong lahat!
Tuesday, December 18, 2012
Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 6
Isa nanamang makabuluhang episode kung saan ituturo ni Lawrence ang makabuluhang sayaw na tatalo pa sa Gangnam style! Ang Jelly Dance! Maraming salamat nga pala sa lahat ng nakilahok sa aming bagong episode at sa naglibre samin ng pagkain. Sana maulit muli at sa susunod ay Vikings naman. Sana mapatawa namin at mapagaan namin ang inyong mabibigat na saloobin. Ishare niyo kung natuwa kayo!
Thursday, December 13, 2012
Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 5
Ito na ang pinakahintay hintay na episode. Natutuwa ako dahil medyo matagal kaming nawala. Sembreak tapos iba pa schedule namin, yung totoo nga tinatamad na kami gumawa. Ang dami pang ginagawa, Thesis at S.A.D. Pero nakakatuwa dahil maraming nagtatanong samin kung kelan ang susunod na episode at marami rin pala ang natutuwa. Yun naman ang gusto namin ang makapagpasaya ng tao. Bibigay namin best namin para mapasaya kayo at sana magustuhan niyo. Pagkatapos ng matagal na paghihintay, andito na ang episode 5!
Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 4
Ito ang huling episode bago magsembreak. Ngayon ko lang mailalagay sa blog dahil medyo naging busy. Umikot ito sa story ni Pika at Lawrence sa may Intramuros. Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta. Alam ko di lahat magugustuhan niyo pero sana napangiti namin kayo. Enjoy!
Friday, September 21, 2012
Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 3
Isa nanaman pong paglalakbay ang aming nagawa. Sinubukan namin gumawa ng storya ngunit nahirapan kami magshoot. Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay at pagsuporta niyo sa aming palabas. Nawa'y huwag kayong magsawa at patuloy na matawa sa mga korning jokes na hinanda namin.
Friday, September 14, 2012
Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 2
Isang episode nanaman na punong puno ng kalokohan. 80% Nonsense. 20% Kwento. Kung icoconsider na kwento yung last part. Sana huwag po kayo magsawang subaybayan kami, dahil hindi po kami magsasawang kulitin kayo. :) Nangangailangan po kami ng mga artistang papayag na makatrabaho ang naggwagwapuhan naming mga artista.
Sunday, September 9, 2012
Ang Paglalakbay ni Lawrence Caliwag: Episode 1
Ang matagal ko ng plinaplano na magawa. Sana magtuloy tuloy. Nangangailangan nga pala po kami ng nakakatawang scriptwriter. Mas okay sana kung natural siyang nakakatawa at kung mataba. Joke lang. Enjoy!
Wednesday, September 5, 2012
Blogging Gutom #11: Effort
Ilang taon na ako nagaaral. Halos lahat ng pagsubok na pagdaanan ko na. Iba't ibang klase ng tao at professor ang naranasan ko na. Pero parang hindi pa rin sapat minsan yung mga pinagdaanan ko. Kadalasan kasi ang pinagkukuhanan ko ng sipag magaral ay yung tipong babagsak na ako. Alam kong alanganin na ako kaya kumikilos na ako. Dati pa lang gusto ko na baguhin yun kasi sana man lang nakakilos na ako para hindi bumagsak. Eh ang nangyayari hinihintay ko muna madelikado ako eh. Kumbaga parang bida sa Filipino Movies, nagpapabugbog muna yung bida bago manalo. Pero mukhang hindi ako mananalo ngayon. Siguro nakatagpo talaga ako ng weakness ko na subject. Kahit feeling ko ibinibigay ko na lahat, wala pa rin. Pero hindi ko pwedeng palampasin dahil importante talaga ito sa akin. Hindi ko ba alam bakit di ako kayang mahalin ng subject ko na to.
Friday, July 27, 2012
Blogging Gutom #10: Mga Uri ng Programmer
"Suko na ako. Ayoko na maging programmer. Bat ko ba pinili tong course na to? Ang hirap naman. Pakopya ng codes. Okay ng 40 kesa pagod!"
Yan ang mga salitang madalas kong marinig sa mga kaibigan ko o ako mismo minsan nasasabi ko na rin yan sa hirap. Marami sinisisi ang mga magulang, maraming sinisisi ang sarili kung bakit ito ang pinling course. Ako nga hindi ko rin alam bakit ito pinili ko eh. Natuwa pa ako kasi nung HS ako, yung exemption general average dito ay 89. Wow, mataas standards nito. Tama nga naman, mataas standards, mahirap para sakin.
Yan ang mga salitang madalas kong marinig sa mga kaibigan ko o ako mismo minsan nasasabi ko na rin yan sa hirap. Marami sinisisi ang mga magulang, maraming sinisisi ang sarili kung bakit ito ang pinling course. Ako nga hindi ko rin alam bakit ito pinili ko eh. Natuwa pa ako kasi nung HS ako, yung exemption general average dito ay 89. Wow, mataas standards nito. Tama nga naman, mataas standards, mahirap para sakin.
Wednesday, July 25, 2012
Blogging Gutom #9: Router
Habang patanda ako ng patanda, mas lalo kong nararamdaman ang halaga ng pera. Dati kahit anong gusto ko binibili ko. Turo dito turo doon. Pero ngayong medyo nagkakaedad na ako, 19 pa lang naman, nararamdaman ko na kung gaano kahirap kumita ng pera.
Ngayong college na ako, sobrang higpit ko na sa pera. Dapat talaga magipon ako ng todo para mabili gusto ko. Mahirap na kasi magpabili ng magbili lalo na kung alam mong mahirap kumita talaga. At lalo na kung yung bibilhin mo eh luho mo lang naman. Dati takot na takot ako gastusin pera ko, pero ngayon mas nararamdaman ko na pangangailangan na dapat ako na bumili ng mga bagay na kailangan ko. Kadalasan ng mga nabili kong bagay, kundi computer related, sapatos or jersey. Bago ako bumili, nauubos oras ko sa kakahanap ng murang presyo, kumbaga yung makukuha ko yung gusto kong bilihn sa mas mababang presyo.
Saturday, May 26, 2012
Swish and Swoosh #1: Nike Football Kits
Since mahilig naman ako sa magbasa ng sports article at mga kung ano ano pang related sa sports, gawa na rin akong bagong segment sa blog ko. Swish and Swoosh, kasi Swish galing kay Dirk(@swish41 sa twitter follow niyo) at swoosh dahil sa Nike. So ito yung una kong post, matagal ko na to nabalitaan na magkakaroon nga daw ng bagong football kits ang Nike na "recycled" kasi bawat isang jersey ay gumamit sila ng used seven plastic bottles. Isang napakagandang idea nito especially sa mga sports na lagi gumagamit ng mga plastic bottles dahil pinaglalagyan ng water at galing na rin sa mga fans na nanunuod ng game. Imbes na makadagdag sa pollution, pinagkakitaan pa ng Nike ang waste ng iba. Kudos to Nike!
Wednesday, May 16, 2012
Blogging Gutom #8: Blame Game
Dumarating talaga sa buhay natin yung panahon na kailangan nating pumili. Yung hindi natin alam kung ano mangyayari, ang masama pa kahit ano ang piliin natin ay may kapalit. Isang halimbawa ay yung presectioning namin. Well, sa totoo lang ayoko naman talaga gawing big deal ito. Pero habang nalalapit na yung araw, mas lalo akong napapaisip eh. Saan nga ba?
Siempre bawat isa may pros and cons. Apat ang choices, pero inarrow ko na sa dalawang gusto ko talaga. Yung choice A, kahit di gaano kaganda ang schedule (isa sa deal breaker para sa karamihan) pero sakin okay lang kasi panggabi at para maiba naman dahil puro nalang pangumaga. Maayos din ang professor dito kahit yung iba hindi ko pa kilala. Makakatipid din sa baon, pero ang pinakadownside nito ay mahihiwalay na sa mga kabarkada. Yung choice C naman, pangumaga pero may ayaw ako isang professor. Pero ang kagandahan andito yung mga kabarkada ko. Saan nga ba?
Siempre bawat isa may pros and cons. Apat ang choices, pero inarrow ko na sa dalawang gusto ko talaga. Yung choice A, kahit di gaano kaganda ang schedule (isa sa deal breaker para sa karamihan) pero sakin okay lang kasi panggabi at para maiba naman dahil puro nalang pangumaga. Maayos din ang professor dito kahit yung iba hindi ko pa kilala. Makakatipid din sa baon, pero ang pinakadownside nito ay mahihiwalay na sa mga kabarkada. Yung choice C naman, pangumaga pero may ayaw ako isang professor. Pero ang kagandahan andito yung mga kabarkada ko. Saan nga ba?
Friday, May 4, 2012
Blogging Gutom #7: Bakasyon
Nasa kalagitnaan na ako ng college life ko. Isang buwan na ang nakalipas sa summer pero ngayon lang ako nagkaroon ng time para magsulat uli. Masiyado ako naging busy sa mga ibang bagay. Sumubok ng ibang bagay na kahit papano binigyan ako ng saya sa una pero nagbalik din ng kalungkutan sa akin.
Simula nung magtatapos yung second semester ko ng second year, medyo nahilig ako sa pagbebenta ng sapatos. Literal na pagbebenta at bumibili rin. Nakakatuwa nung una dahil ang dami kong sapatos at nabebenta ko rin yung iba. Kung baga umiikot lang yung pera ko at minsan nadaragdagan pa. After ilang taon, nakabili rin ako ng original na jersey ng idol ko. Nakakatuwa rin kasi parang achievement yun lalo na pinaghirapan ko yung pera na pinangbili dun. Siguro nung una nageenjoy ako, at sabi ko sarili ko titigil din ako at some point. Hinihintay ko lang yung moment na titigil ako pero dumating ng di inaasahan yung nagpatigil sakin.
Simula nung magtatapos yung second semester ko ng second year, medyo nahilig ako sa pagbebenta ng sapatos. Literal na pagbebenta at bumibili rin. Nakakatuwa nung una dahil ang dami kong sapatos at nabebenta ko rin yung iba. Kung baga umiikot lang yung pera ko at minsan nadaragdagan pa. After ilang taon, nakabili rin ako ng original na jersey ng idol ko. Nakakatuwa rin kasi parang achievement yun lalo na pinaghirapan ko yung pera na pinangbili dun. Siguro nung una nageenjoy ako, at sabi ko sarili ko titigil din ako at some point. Hinihintay ko lang yung moment na titigil ako pero dumating ng di inaasahan yung nagpatigil sakin.
Thursday, March 8, 2012
Blogging Gutom #6: Azkals
Hindi naman talaga ako fan ng football dati. Tinatamad nga ako manuod kasi mahaba tapos ang tagal makascore. Nasanay kasi ako sa basketball na mabilis lang makascore. Kapag sa football grabe sa tagal tapos minsan wala pang nakakascore. Wala nga akong kaide-idea kung paano laruin ang football. Napanuod ko lang yan sa Shaolin Soccer. Nagulat ako dati nung bata ako akala ko talaga may Golden Leg na ganun kalakas sumipa. Pero nung tumanda ako hindi ko nahiligan talaga siguro dahil na rin sa hindi masiyado napaguusapan sa classroom at hindi masiyado sikat sa bansa. Pero nung kelan lang sumikat yung Philippine Football Team o mas kilala natin sa tawag na Azkals.
Tuesday, March 6, 2012
Blogging Gutom #5: Bagsak
Noong elementary, kapag may bagsak ka wala ka ng pagasa. Noong highschool, kapag bagsak lagot ka sa magulang mo malamang sabon ka na at ngayong college, magkabagsak ka parang wala na lang. Hindi ko maisip bakit kaya naging ganun na yung mindset ng karamihan ng college student. Siguro nga kapag maraming gumagawa tingin ng iba ay tama na. Lagi ko nga sinasabi sa kaibigan ko, "Pare, kapag nasimulan mo na yan mahirap na tigilan." Dati rati hindi ako nalalate, ngayon parang wala na lang. Hawak mo na kasi oras mo eh, wala na silang pakialam sayo kasi matanda ka na. May responsibilidad ka na at marunong ka ng magisip. Sana lang lahat ng tao ganun magisip.
Mahirap kasi makipagtrabaho sa mga walang responsibilidad. Bato bato sa langit, ang matamaan huwag magalit. Lahat ng bagay may oras para diyan. Minsan dapat alam natin kung saan tayo lugar. Gawin muna natin yung kailangan kasi maraming napeperwisyo. Huwag na tayo umasa sa iba lalo na at matanda na tayo. Paano pa kapag natrabaho na talaga tayo, kanino natin iaasa ang trabaho? Alam ko minsan nagiging tamad din ako pero ayoko naman maging pabigat lang. Gusto ko rin may naitutulong. Dapat alam mo lagi ang mga gawain mo. Para rin naman sa kinabukasan mo iyan eh. Mahirap lang masanay lalo na at ilang taon nalang ay sasabak ka na sa trabaho.
Ilang linggo nalang, Finals week na. Make it or break it na. Pasahan ng mga sandamakmak na project. Mahirap na matambakan at kaya habang maaga magsimula na. Kaya share ko sa inyo yung video blog ko sa NSTP. Wala na talaga akong maisip kaya kung ano ano nalang sinabi ko diyan pero totoo galing lahat iyan sa puso ko. Sana matuwa kayo kahit corny.
Sunday, March 4, 2012
Blogging Gutom #4: Advertising Student
Simula first year high school ata ako, ang gusto ko ng course ay Computer Science. Siguro dahil tingin ko yun ang safest choice para sa akin, yun rin ang gusto ng mga magulang ko at tingin ko kaya naman ng kakayahan ko. Yun na talaga ang gusto ko hanggang nung 3rd year ako, nung makilala ko yung video editing. Natuto ako magedit nung third year ako, nung una ginagawa ko yun para lang sa project ganun. Hanggang sa sumali ako sa contest, tapos nanalo ako. Eh siempre kapag nanalo ka parang hahanap-hanapin mo yung recognition na nakuha mo. Kaya mas nagpractice pa ako, mas nagiisip na hindi yung basta basta lagay na lang ng lagay.
Kaya pagdating ko ng fourth year, napaisip na ako. Mag Advertising nalang kaya ako. Kasi yung trabaho nun mageenjoy ako at panigurado gusto ko talaga yung ginagawa ko. Pero ang problema ko lang ay yung drawing. Dun talaga ako natakot eh, kinabahan ako baka di ako magexcel dahil sa drawing. Feeling ko yun lang kulang ko eh. Sayang talaga hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa desisyon ko. Mas pinili ko yung safe na choice kesa sumugal pero sasaya naman ako. Siguro nga may mas nakalaan sakin sa Computer Science. Pero ngayon hindi ko pa nakikita eh, hindi pa rin ako nageenjoy. Lalo pa nagdududa na ako sa kakayahan ko ngayon sa CS.
Gustong gusto ko kasi gumagawa ng mga commercial. Magpromote ganun at kung ano pa. Ang dami kong idea eh, at yung iba nagagawa ko naman. Kaya ngayon, naging "business" na sa akin ang video editing. Kapag may mga nagpapagawa ieedit ko na lang pero siempre hindi libre! Pero minsan kapag close friend ko naman hindi ko na sinisingil. Siguro nga hanggang hobby ko nalang to. Pero kung pinili kong sumugal, ano kaya lagay ko ngayon? Eto pala yung ginawa naming commercial ng Aying's Pastillas. Masarap talaga siya, matutuwa kayo kapag natikman niyo. Sana magenjoy kayo sa ginawa naming commercial at sana suportahan niyo pa ang Aying's Pastillas!
Friday, March 2, 2012
Blogging Gutom #3: What is Love?
Gumawa kami ng video sa NSTP last semester about love. Nakakatuwa lang kasi di ko alam na makakagawa kami ng ganyan video. Tinanong kasi kami kung ano daw ba ang definition namin ng love. Sobrang hirap din kasi magisip dahil sa sobrang daming pwedeng definition. Pinakacommon na diyan yung love is blind, love is in the air, love is pure, love is evol kapag binaliktad at kung ano ano pa. Depende rin naman kasi talaga sa isang tao yan kung ano meaning niya ng love. Minsan dahil na rin sa mga experiences niya. Yung iba dahil sa nasaktan sila, forever emo na sila. Pangit na ang definition nila ng love. Di naman natin sila masisi eh. Siguro hindi pa nila nakikita yung totoong meaning ng love. Yung kapatid ko nga na baby ang love ata sa kanya ay french fries. Kapag may french fries sobrang masaya na siya.
Thursday, March 1, 2012
Blogging Gutom #2: Unknown Number
Paano kung may magtext sayo ng ganito pero hindi registered yung number - "hi this is (insert teacher name here), wala kayong klase ngayon sa (insert subject here)" Maniniwala ka ba? Nangyari to kanina sa classroom. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako or hindi. Paano naman malalaman ng prof. yung number at bakit ikaw pa yung itetext? Nung una hindi ako naniniwala akala ko may nangtritrip lang. Tapos nung tinanong namin, number niya nga. Ang hirap lang kasi paniwalaan dahil sobrang daming manloloko ngayon lalo na kung walang klase.
Monday, February 27, 2012
Blogging Gutom #1:Estudyante
Ang tagal na pala bago ako makapagdagdag ng bago dito sa blog ko. Hindi ko alam kung ano dahilan kung bakit huminto ako sa pagupdate. Siguro naging busy lang sa kung ano ano. Pero naramdaman ko na gusto ko na buhayin ulit to.
Subscribe to:
Posts (Atom)